Written By: Thelma Unite
Arranged By: Jun Tamayo

I:
  • Maliit pa ako ng iniwan ni nanay
  • Ang tangi kong kasama ay si tatay
  • Siya ang nagluluto, at naglalaba
  • Siya ang namamalengke, at namamalantsa
  • Paggising sa umaga ,almusal ko'y nasa mesa
  • Pampaligo ko'y kanya nang inihanda
  • Ihahatid ako, sa aming eskuwela
  • At saka jeepney, niya'y ipapasada
 
Chorus:
  • Yan ang aking tatay,
  • Super tatay, talaga
  • Ang aking tatay, love na love ko siya
  • Super tatay, wala na ngang katulad pa
  • Ang aking tatay, Number 1, talaga
  • Pagsapit ng gabi, bago ako matulog
  • Tinutulungan niya ako, sa aking homework
  • Babasahan niya ako, ng storybook
  • Kulambo'y ikakabit, nang di kagatin ng lamok
 
Repeat Chorus:
  • At tuwing Linggo, ihahatid ako
  • Sa aming church, sasamahan niya ako
  • Sabi niya “Anak, magpasalamat ka
  • Sa Poong Maykapal, nasa ati'y lumikha”
 
  • Ngayon, ay graduate na ako sa kolehiyo
  • Sana'y makahanap ako ng trabaho
  • Magsisikap na makaipon ako
  • Makabili ng Pajero, para sa tatay ko,
 
Repeat Chorus:
  • Super tatay
  • Number one ka talaga
  • Maraming salamat tatay

Advertisement

0 comments:

Post a Comment

 
Top