Written By: Thelma Unite
Arranged By: Paul Armesin Jr.

I:
  • Nalulungkot ka na naman ba
  • Ano ba ang iyong problema
  • Baba mo'y kay haba haba na
  • Nakasayad na sa lupa

  • Huwag kang mag-iisip ng sobra
  • Darami lang ang kulubot sa mukha
  • Buhok mo'y mamumuti lang
  • At malalagas pa

Chorus:
  • Halika at magkantahan
  • Sumabay sa tugtog at saka sayawan
  • Problema mo ay kalimutan
  • Ganyan nga tumawa ka
  • O aking kaibigan
II:
  • Kung may nangungutang sa iyo ng pera
  • Huwag kang mahihiyang sabihin kung wala
  • Baka bukas makalawa, ikaw naman ang kawawa
  • Dapat mong gawin ay mag-ipon ka
  • Nang ang makabalik na sa pamilya
  • Hinihintay ka nila
  • Na mulilng makasama

  • Repeat Chorus:

Bridge:
  • Problema nga'y laging dumarating
  • Tatagan ang iyong dibdib at humandang harapin
  • Sa Diyos ay manalig ikaw'y manalangin
  • Sulirani'y malulutas din

  • Repeat Chorus twice:
  • Ganyan nga tumawa ka
  • O aking kaibigan (twice)

Advertisement

0 comments:

Post a Comment

 
Top